^

Bansa

Kalahating buwan na ulan ibinuhos

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umaabot sa kalaha­ting buwang ulan ang dami ng ulan na dala ng bagyong Mario sa nakalipas na 12 oras  sa Metro Manila dahil sa habagat.

Ito ay makaraang maitala sa Science Garden ng PAGASA sa Quezon City ang 268 millimeters na ulan ni Mario mula alas 8 ng hapon ng araw ng Huwebes hanggang alas-8 ng umaga ng Biyernes.

Sa ginanap na press conference sa PAGASA, sinabi ni Aldczar Aurelio, weather forecaster ng ahensiya, ang naturang sukat ng ulan ni Mario ay mahigit sa kalahati ng buwan na aabutin sa 451.2-mm average rainfall na para sana sa buong buwan ng Setyembre ng taong ito.

Pero anya mas mala­kas naman dito ang ulan na dala ng bagyong Ondoy sa Metro Manila noong September 2009 dahil nakapagtala ito ng ulan na 375 mm sa loob lamang ng 6 na oras at  465 mm rainfall sa loob ng 24 oras.

Sinasabing matindi ang naging pag-ulan sa Metro Manila dahilan sa ang bagyong Mario ay nasa bahagi ng norte, ang lugar na mabilis maapek­tuhan ng habagat.

Kahapon ng hapon ay patuloy pa rin ang pag- uulan sa Metro Manila at inaasahang lalabas ng bansa si bagyong Mario Linggo ng umaga.

vuukle comment

ALDCZAR AURELIO

BIYERNES

HUWEBES

MARIO

MARIO LINGGO

METRO MANILA

QUEZON CITY

SCIENCE GARDEN

ULAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with