^

Bansa

2 LPA tinututukan ng PAGASA

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang low pressure area (LPA) sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang binabantayan ng state weather bureau ngayong Miyerkules.

Namataang ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang isang LPA sa 350 kilometro silangan ng Baler, Aurora kaninang alas-4 ng madaling araw.

Mababa ang tsansa nitong maging ganap na bagyo, ngunit inaasahang magdadala ito ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa Visayas, Caraga, Metro Manila, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabrazon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal and Quezon) at Bicol Region.

Samantala, nasa silangang Mindanao naman ang isa pang LPA.

Ayon pa sa PAGASA ay mataas ang tsansa nitong maging ganap na bagyo.

Pangangalanan itong "Karding" oras na tuluyang maging bagyo.

Dalawa hanggang tatlong bagyo ang inaasahan ng PAGASA na papasok sa PAR ngayong Setyembre.

vuukle comment

AYON

BATANGAS

BICOL REGION

CAGAYAN VALLEY

CENTRAL LUZON

GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION

METRO MANILA

PHILIPPINE AREA OF RESPONSIBILITY

PHILIPPINE ATMOSPHERIC

RIZAL AND QUEZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with