^

Bansa

PNoy hindi na kailangang sumabak sa MRT challenge – Palasyo

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Iginiit ng Malacanang na hindi na kailangang sumakay pa ng MRT o LRT ni Pangulong Benigno Aquino III para maramdaman ang kalbaryo ng mga mananakay ng mass transport system, ayon kay PCOO Sec. Herminio Coloma Jr.

Sinabi ni Sec. Coloma sa media briefing kahapon, madaming problemang kinakaharap si Pangulong Aquino bilang ama ng bansa at hindi na nito kaila­ngang sumakay pa ng MRT o LRT para maramdaman ang kinakaharap na kalbaryo ng mga commuters mula sa pagpila sa pagbili ng tiket hanggang sa pagsakay.

Wika pa ni Sec. Coloma, ginagawa ni Pangulong Aquino ang lahat ng paraan upang malutas ang problemang kinakaharap ng LRT at MRT na palaging nagkakaroon ng aberya.

Idinagdag pa ni Coloma, hinahanapan ng solus­yon ng gobyerno ang kinakaharap na problema ng mass transport system upang malutas na ang mga problemang ito.  

vuukle comment

COLOMA

HERMINIO COLOMA JR.

IDINAGDAG

IGINIIT

MALACANANG

PANGULONG AQUINO

PANGULONG BENIGNO AQUINO

SINABI

WIKA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with