^

Bansa

Pokus lang sa trabaho ‘Hula’ witness binatikos ni Binay

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Binatikos ng kampo ni Vice-President Jejomar Binay ang mga testigong hula lang ang ginawang occular inspection ng isang sub-committee ng Senado sa kontrobersiyal na Building 2 ng Makati City Hall.

Ayon sa tagapagsalita ni Binay na si Cavite Vice Governor Jonvic Remulla, mga eksperto lang sa panghuhula ang mga resource person na nagsagawa ng pagtataya o assessment pagkatapos ng cursory inspection sa gusali.

“Kahit hindi pa nila nakikita ang as-built plans, blueprints, bill of mate­rials, o mechanical and electrical plans, gumawa agad ng konklusyon ang sinasabing mga eksperto na maituturing na nang­huhula lang,” puna ni Remulla.

Wala anya itong ipi­nag-iba sa pagtatapat kamakailan ng abogadong si Renato Bondal at da­ting Makati Vice Mayor Ernesto Mercado na hula lang at ispekulasyon ang ibinibintang nilang overpriced na birthday cake at kickback para sa Bise Presidente.

“Eto lang ang kaya nilang ipakita. Mga testigong hula-hula na maaa­ring maging tauhan ni Madam Auring”, dagdag niya.

Dapat din anyang ipaliwanag ng Senate sub-committee kung bakit hindi hiningan ng komento ang kinatawan ng Philippine Contractors Association na kasama sa ocular inspection na tataliwas sa makiling na pagtataya ng tinatawag na mga ekspertong dinala ni Sen. Antonio Trillanes.

Sa kabila ng mga kontrobersiya, ayon pa kay Remulla, nananatili lang nakatutok si Binay sa trabaho nito sa pagtulong sa mga pamilya ng mga napatay na sundalo, biktima ng kalamidad at mga gipit na Overseas Filipino Worker.

Sinabi pa ni Remulla na, habang isinasagawa ng mga senador ang inspeksiyon sa gusali noong Lunes, pinamunuan naman ni Binay ang inagurasyon ng isang pabahay para sa mga residente ng Cagayan de Oro City na naapektuhan ng bagyong Sendong may dalawang taon na ang nakakaraan.

Noon namang Linggo, namigay ang Bise Presidente ng cash benefits sa 20 pamilyang benepis­yaryo ng mga sundalong namatay sa labanan sa Camp Evangelista sa Cagayan de Oro City.

Inasahan ding maki­ki­pagkita si Binay sa isang OFW na ginahasa Gitnang Silangan para malaman kung ano ang maitutulong sa kanya ng pamahalaan.

Kaugnay pa ng kontrobersiyal na gusali, “sinasabi nila na standard at ordinary ang mga materyales at construction ng Makati City Hall Building 2. Pero sinasabi ng kinatawan ng PCA na ang air conditioning system sa lobby ay hindi ordinaryo,” sabi pa ni Remulla.

Ayon pa sa gobernador, sinasabi ng executive director ng PCA na si Lito Madrasto na mas mahal ang cassette type air conditioners na ginamit sa upper floors ng Building 2 kaysa sa standard floor standing o wall type air conditioners.

Sinabi pa ni Madraso na, nang simulan ang pagpapatayo ng Building 2, nagtataasan naman ang presyo ng mga building material.

vuukle comment

ANTONIO TRILLANES

AYON

BINAY

BISE PRESIDENTE

CAMP EVANGELISTA

ORO CITY

REMULLA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with