^

Bansa

Pag-aalis sa truck pag-usapan - MMDA

Lordeth Bonilla at Doris Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Lalong nadagdagan ang sakit ng ulo ng  Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) dahil sa bagong truck issuance ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board’s (LTFRB) na nagdulot ng labis na pagsisikip ng daloy ng trapiko sa bahagi ng Quezon City partikular sa area ng Ateneo De Manila University at Miriam College gayundin sa C5 Road.

Sa data ng MMDA, mula nang alisin ng LTFRB ang truck ban noong Hulyo 25, 2014, sa naturang araw ay tumaas umano sa 80.67% ang volume ng mga truck na dumaan sa kahabaan ng Katipunan Avenue (harapan  Ateneo Gate 3). Lumobo ito sa 14,380 na nagresulta ng matinding trapik at dumoble umano kumpara sa nakaarang taon na nasa 7,959 truck na dumadaan nang pinatutupad pa ang truck ban.

Tinukoy din ni Tolentino ang advisory ng LTFRB noong Hunyo 27, 2014 na “no apprehension policy” sa lahat ng trucks for hire na may green plates ay libreng nakakadaan sa C5 sa loob ng isang buwan mula Hunyo 28 hanggang Hulyo 28, 2014 ay lalo pang nagpalala sa sitwasyon ng trapiko sa Metro Manila.

Sa Maynila, hindi pa rin papayagan na makapasok ang mga provincial bus sa kabila nga ng memorandum circular ng LTFRB dahil muli na naman itong magdudulot ng pagsisikip sa daloy ng trapiko sa lungsod. Suportado rin nila ang posisyon ng MMDA na dapat munang magkaroon ng konsultasyon.

 

vuukle comment

ATENEO DE MANILA UNIVERSITY

ATENEO GATE

HULYO

HUNYO

KATIPUNAN AVENUE

LAND TRANSPORTATION AND FRANCHISING REGULATORY BOARD

METRO MANILA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

MIRIAM COLLEGE

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with