^

Bansa

Pinsala ni Glenda mahigit P10B na

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umaabot na sa mahigit P10 bilyon ang iniwang pinsala ng bagyong Glenda sa imprastraktura at agrikultura sa mga naapektuhan nitong lugar.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Exe­cutive Director Ale­xander Pama, naitala sa P1.514, 434,958.95 bil­yon ang pinsala sa imprastraktura habang nasa P8,946,413,536.38 bilyon sa agrikultura. 

Nasa P28,075,886.00 M ang tinamong pinsala ng mga eskuwelahan habang tumaas na sa 98 katao ang nasawi, 630 ang nasugatan at lima pa ang nawawala.

Sa nasabing bilang ay pinakamarami ang nasawi sa Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon) na umaabot sa 70 katao habang nasa 159 ang sugatan.

Naitala naman sa 330,433 pamilya o 1,600,298 bilyong katao ang naapektuhan ng bagyo at nasa 118,281 bahay ang nasira.

Umakyat na rin sa 22 lugar ang isinailalim sa state of calamity sa tindi ng tinamong pinsala sa pananalasa ng bagyo.

vuukle comment

AYON

BATANGAS

CALABARZON

CAVITE

DIRECTOR ALE

GLENDA

NAITALA

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

PAMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with