^

Bansa

Ex-con tinaniman ng bala sa ulo

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Utas ang isang dating preso na may kasong pagnanakaw matapos itong barilin sa ulo ng hindi pa nakikilalang suspek habang ang una ay nagsusugal, kahapon sa Pasay City. Dead-on-arrival sa San Juan De Dios Hospital ang biktimang si Fernando De Asis, 42, ng Rodriguez St., Malibay, miyembro ng ‘Sputnik Gang’ sanhi ng tinamong tama ng bala  sa ulo buhat sa kalibre .45 baril. Nagsasagawa pa ng follow-up ang Pasay City Police hinggil sa insidente at inaalam pa ang pagkakakilanlan ng suspek.

Sa report na natanggap ni Senior Supot. Florencio Ortilla, hepe ng Pasay City  Police, naganap ang insidente alas-5:00 ng umaga sa panulukan ng Saint Mary at Saint Rosa Sts., Zone 19, Brgy. 178 ng naturang lungsod habang ang biktima ay naglalaro ng cara y cruz nang biglang sumulpot ang suspek na armado ng baril at barilin ito sa ulo.  Samantala, matapos ang ginawang pamamaril ay mabilis na tumakas ang suspek dala ang baril na ginamit  nito. Nabatid na ang biktima ay dating nakulong sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Camp Bagong Diwa, Taguig City dahil sa kasong robbery.  Blangko pa ang pulisya sa motibo sa naganap na krimen habang patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon.

vuukle comment

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

CAMP BAGONG DIWA

FERNANDO DE ASIS

FLORENCIO ORTILLA

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

RODRIGUEZ ST.

SAINT MARY

SAINT ROSA STS

SAN JUAN DE DIOS HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with