^

Bansa

PNoy sa mga kritiko: Magmahalan, magtulungan tayo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakiusap si Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang mga kritiko na tigilan na ang paghahanap ng mali sa kanyang mga ginagawa bagkus ay makipagulungan na lamang para sa ikauunlad ng bayan.

Sinabi ni Aquino ngayong Lunes sa kanyang talumpati sa pagbubukas ng Philippine Arena ng Iglesia ni Cristo sa Bulacan na dapat ay magmahalan at magkaisa ang lahat.

"Sa trabaho po nating ito na pagsusulong ng reporma, hindi maiiwasan na meron tayong makakaaway. Meron pong iilan na anuman ang gawin ko, gaya ng pagdalo nito, ay maghahanap pa rin ng pwedeng mabatikos," wika ni Aquino.

"Paalala ko lang sa kanila: kung kapwa ko kayo Kristiyano, tungkulin nating magmahalan sa ngalan ng Panginoon sa halip na maghasik ng agam-agam at 'di-pagkakaunawan," dagdag niya.

Ibang-iba ang tono ng Pangulo ngayon kumpara sa kanyang matapang na pahayag nitong nakaraang linggo ukol sa deklarasyon ng Korte Suprema na hindi naaayon sa Saligang Batas ang ilang bahagi ng kontrobersyal na Disbursement Acceleration Program (DAP).

Sinabi ni Aquino sa mataas na hukuman na pag-isipang muli ang kanilang desisyon sa DAP dahil wala naman aniyang mali sa naturang programa.

Dagdag niya na pinabagal ng desisyon ng Korte Suprema ang pag-usbong ng ekonomiya ng bansa.

vuukle comment

AQUINO

BULACAN

CRISTO

DAGDAG

DISBURSEMENT ACCELERATION PROGRAM

KORTE SUPREMA

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PHILIPPINE ARENA

SALIGANG BATAS

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with