^

Bansa

Nakakahiya kapag ginawang state witness si Napoles - Solon

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kahihiyan sa Justice system ng bansa kapag pinayagang maging state witness ang pork barrel scam queen na si Janet Lim Napoles.

Ayon kay Deputy Majority leader at Cibac partylist Rep. Sherwin Tugna, mahihirapan din ang prosecution na i-discharge si Napoles sa krimen para ipakita na walang direct evidence na maibibigay ang ibang testigo.

Malabo din umano ang balakin dahil nakapagbigay na ang ibang testigo tulad nina Ruby Tuason at Benhur Luy ng direct evidence sa anomalya kaya kung ididischarge umano si Napoles bilang isa sa pangunahing akusado ay isa itong paglabag sa rules of court dahil hindi ito pumapasa sa kuwalipikasyon ng person to be discharged from a crime.

Paliwanag pa ni Tugna na babagsak si Napoles sa qualification na maging state witness dahil sangkot din ito sa ‘helmet at fertilizer fund scam’ na malinaw din sa track record nito ang mga iregularidad na kanyang  ginawa.

Dismayado naman si Ako Bicol partylist Rep. Rodel Batocabe kung gagawin state witness si Napoles dahil  iba umano ang sinasabi ng libro na kanilang pinag aralan sa law school samantalang kung gagawin umano itong state witness ay para na rin sinabi na lahat ay maaaring maging testigo ng gobyerno.

vuukle comment

AKO BICOL

AYON

BENHUR LUY

CIBAC

DEPUTY MAJORITY

JANET LIM NAPOLES

NAPOLES

RODEL BATOCABE

RUBY TUASON

SHERWIN TUGNA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with