^

Bansa

‘Visa free’ sa 7 bansa ipinagkaloob ng Pinas

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Epektibo kahapon ay pinapayagan na ang pitong bansa na makapasok sa Pilipinas nang walang kaukulang visa.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang mga dayuhan mula sa mga bansang Belize, Croatia, Kazakhstan, Kyrgyzstan, Tajikistan, Turkmenistan at Uzbekistan ay binibigyan na ng Phl government ng pribilehiyo na “visa-free” entry at maaa­ring manatili sa bansa ng hanggang 30-araw.

Sinabi ng DFA, ipinagkaloob ang nasabing pribilehiyo upang lalong mapalago ang turismo at pamumuhunan ng Pilipinas mula sa mga nabanggit na mga bansa.

Ayon kay DFA Usec. Rafael Seguis, na target ng Department of Tourism na makapagtala ang ahensya ng 10 milyong foreign tourist arrivals sa taong 2015.

Ang desisyon na bigyan ng visa free privilege ang pitong karagdagang mga bansa ay mula sa inter-agency coordination ng Bureau of Immigration, Department of Tourism, Department of Justice, Philippine Center on Transnational Crime, National Intelligence Coordinating Agency at National Security Council.

Samantala, inalis ng pamahalaan ang Somalia sa listahan ng mga bansa na nagi-enjoy sa visa-free privilege at inaatasan ang mga Somali nationals na mag-apply ng kanilang visa sa mga Embahada at Konsulado ng Pilipinas ng kanilang countries of origin o residence sa pagbisita sa Pilipinas.

Ang mga bansang may visa-free ay maaa­ring makuha ang pribilehiyo sa pamamagitan ng pagpi-prisinta ng kanilang national passport na balido ng hanggang 6-buwan kasama ang panahon ng kanilang pananatili at return ticket mula sa pinanggalingang bansa o onward ticket sa kasunod na destinasyong bansa.

Ang mga bansa na may visa-free privilege na umaabot na sa kabuuang 157 ay maaaring mahanap sa DFA website.

vuukle comment

AYON

BANSA

BUREAU OF IMMIGRATION

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

DEPARTMENT OF JUSTICE

DEPARTMENT OF TOURISM

NATIONAL INTELLIGENCE COORDINATING AGENCY

PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with