^

Bansa

Presyo ng bilihin bababa sa pag-amyenda sa Cabotage Law

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isa sa mga nakikitang  susi sa pagbaba ng pres­yo ng mga bilihin ang pag-repaso sa Cabotage Law at ang pagtulak ng mga reporma sa shipping industry.

Ayon kay Sen. Bam Aquino, chairman ng Se­nate Committee on Trade Commerce and Entrepreneurship, kailangang maamiyendahan ang batas para mabuksan ang merkado at mapababa ang  presyo ng shipping at transportation cost ng mga produkto sa loob ng Pilipinas.

 â€œIto ang nakikita kong solusyon para maibaba ang presyo ng mga bilihin sa bansa,” ani Aquino.

Ipinaliwanag ni  Aquino na  nagmamahal ang isang produkto dahil sa taas ng shipping cost sa pagbiyahe nito patungo sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Sinabi ng senador na mas mura pa ang magpasok ng mga produkto mula sa ibang bansa kaysa magdala ng mga produkto mula sa ilang probinsya pa-Maynila.

Inihalimbawa pa ni Sen. Aquino ang pagpapadala ng isang 20-foot equivalent unit (TEU) mula sa Kaoshiung sa China patungong Cagayan de Oro na nagkahahalaga lang ng $360 o P16,000 habang ang halaga ng pagpapadala ng parehong cargo mula Manila hanggang Cagayan de Oro ay nagkakahalaga ng $1,120 o halos P50,000.

“Kung titingnan ninyo, napakalaki ng diperensiya ng shipping sa loob ng bansa at shipping sa labas. Hindi tama na mas mahal pa ang presyo ng local shipping sa pagbiyahe ng mga lokal na produkto,” ani Aquino.

Dahil aniya sa taas ng shipping cost ng mga produkto, walang magawa ang mga negosyante kundi ipatong rin ito sa presyo ng mga bilihin, na nagreresulta naman sa mas mataas na presyo ng mga produkto.

vuukle comment

AQUINO

AYON

BAM AQUINO

CABOTAGE LAW

ORO

PRODUKTO

SHIPPING

TRADE COMMERCE AND ENTREPRENEURSHIP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with