^

Bansa

Waling-waling gagawing pambansang bulaklak

-
Hindi na Sampaguita ang ituturing na pambansang bulaklak ng Pilipinas kundi Waling-waling sa sandaling maging isang ganap na batas ang panukalang batas 3789 na inihain ni Davao City Rep. Vincent Garcia.

Ayon kay Garcia, ang Waling-waling ang pinakamagandang uri ng orchid sa Pilipinas na matatagpuan lamang sa kagubatan ng Mt. Apo at mga lalawigan ng Davao at Zamboanga del Sur.

Niliwanag ng kongresista na ang naturang bulaklak ay hindi lamang orihinal na nagmula sa Pilipinas kundi bihira rin itong makita sa ibang bansa. Hindi tulad ng Sampaguita na native sa India at Saudi Arabia.

Tinataglay din umano ng Waling-waling ang mga katangian at kaugalian ng mga Pilipino.

Hindi ito tumutubo kung saan-saan lamang. Tanging sa tuktok lamang ng mga matataas na punong kahoy na nagsisimbulo sa mataas na aspirations ng mga Filipino.

Nabubuhay din ito ng hindi nangangailangan ng suporta na nangangahulugan naman ng katatagan ng mga Filipino.

Kasabay nito, inaprubahan din ng subcommittee on language, culture and arts at ng Committee on Basic Education ang pag-indorso sa HB 3623 na inihain ni Rep. Alfredo Maeranon (Negros Occidental) na pagdedeklara sa Abaka bilang national fiber naman ng Pilipinas.

Sinabi ni Maranon na ang Abaka ay bahagi ng kasaysayan at kultura ng Pilipinas. Isa rin ang Abaka sa naghatid sa Pilipinas upang makilala sa international market. (Ulat ni Malou Escudero)

vuukle comment

ALFREDO MAERANON

AYON

BASIC EDUCATION

DAVAO CITY REP

MALOU ESCUDERO

MT. APO

NEGROS OCCIDENTAL

PILIPINAS

SAUDI ARABIA

VINCENT GARCIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with