^

Bansa

Estrada pabor sa snap presidential election

-
Inamin kahapon ni Pangulong Joseph Estrada na pabor siya sa pagdaraos ng snap presidential election sa gitna ng kasalukuyang krisis sa pulitika ng bansa.

Sinabi ng Pangulo sa isang ambush interview na, kung ang snap election ang nais ng nakakarami, mas mainam para ang taumbayan ang humusga sa kanya.

Gayunman, naniniwala ang Pangulo na imposible ang pagdaraos ng snap election dahil hindi ito nakasaad sa Konstitusyon.

Kinumpirma ng deklarasyong ito ng Pangulo ang pagbubunyag kamakailan ni House of Representatives majority leader Eduardo Gullas na nakatimbre kay Estrada ang resolusyong inihain ni Senador Juan Ponce Enrile na humihiling ng pagdaraos ng snap election.

Pero pinabulaanan ng Pangulo na siya ang may panukala ng pagdaraos ng snap election. Iginiit niya na, bagaman pabor siya rito, naniniwala siyang labag ito sa Saligang-Batas.

Nauna rin rito, sinabi ni Executive Secretary Ronaldo Zamora na maaaring maganap ang snap election kung parehong magbibitiw sa tungkulin sina Estrada at Vice President Gloria Macapagal-Arroyo pero ayaw naman itong gawin ng dalawa kaya malabo ang panukala ni Enrile. (Ulat ni Ely Saludar)

vuukle comment

EDUARDO GULLAS

ELECTION

ELY SALUDAR

ENRILE

EXECUTIVE SECRETARY RONALDO ZAMORA

HOUSE OF REPRESENTATIVES

PANGULO

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

SENADOR JUAN PONCE ENRILE

VICE PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with