^

Bansa

Libu-libong mananakay naperhuwisyo

Angie dela Cruz, Lordeth Bonilla, Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Perhuwisyo ang inabot ng libu-libong na-stranded na mga mananakay sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa matapos ikasa kahapon ng militant transport group na Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Opereytor Nationwide (PISTON) at Stop and Go Coalitions ang pambansang transport strike ng mga passenger jeepney para kontrahin ang jeepney phase out.

Naging maagap naman sa paghahanda ang mga lokal na pamahalaan para makatulong sa mga na-stranded na commuters. 

Sa Caloocan City, pinalabas ni Mayor Oscar Malapitan ang lahat ng sasakyang panglungsod kabilang ang mga rescue trucks para maghatid sa mga stranded na pasahero kahit hindi residente ng lungsod.  Nag-ayuda ito ng libreng sakay sa ilang bahagi ng Caloocan South at Caloocan North.

Sa Valenzuela City, nagbigay rin si Mayor Rex Gatcha­lian ng libreng sakay sa mga rutang MacArthur Highway, Malanday hanggang Monumento.               

Ganito rin ang mga ayuda mula sa local na pamahalaan ng mga lungsod ng  Navotas, Malabon, at Makati.

Samantala, ayon naman sa dalawang transport groups, naparalisa raw nila ang transportasyon kahapon sa Metro Manila, Central Luzon, Southern Tagalog, Cebu at iba pang bahagi ng Visayas at Mindanao, na pinabulaanan naman nina MMDA Gen. Manager Tim Orbos at LTFRB Aillen Lizada.

“Hindi po totoo ang claim nila na nationwide, paralyzed ang transportation, ni hindi nga po kami nakaabot sa kalahati ng aming na-dispatch ng mga standby vehicles para sa mga stranded na commuters,” ani Lizada.

Bunsod pa rin ng nasabing tigil-pasada ay nakatanggap naman ng ulat ang MMDA kaugnay ng umano ay marahas na pananakot at pangingikil sa mga drayber na hindi nakiisa sa kanilang kilos-protesta.

Ayon kay PISTON national president George San Mateo, ang isinagawang tigil-pasada ay mariing pagtutol sa planong i-phase out ang mga luma at higit na sa 15 taon nang mga jeepney. Aniya, ito ay isang uri ng “corporate takeover” sa mga pampublikong sasakyan na makakaapekto sa may 650,000 drivers at 250,000 jeepney operators nationwide.

Gayunman, ay magsasagawa raw ulit ang mga transport group ng ilan pang tigil-pasada hanggang sa sila raw ay dinggin ng gobyerno kaugnay ng kanilang hinaing.

vuukle comment

STRANDED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with