^

PSN Showbiz

Mocha 8x pa lang pumapasok sa MTRCB

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Inasahang magti-trending sa Twitter ang pilot episode ng Destined To Be Yours nina Alden Richards at Maine Mendoza dahil sa solid na suporta ng AlDub Nation hindi lang sa Pilipinas kundi sa iba pang bansa. Worldwide premiere nga ito kaya bago natapos ang airing, nasa number four slot ito sa buong mundo. Nag-number one ito sa buong bansa kung saan nakakuha ng halos 7 million tweets.

PAK: As of presstime, hinihintay pa namin ang desisyon ng Bini­bi­ning Pilipinas kung sino ang mga nakapasok na official candidates sa taunang beauty pageant.

Elimination kamakalawa lang kung saan 55 aspirants ang ipinakilala sa media. Magtatanggal pa raw sila na baka ga­wing 40 ang pipiliing official candi­dates.

Ang daming repeaters, at ang isa sa pinakama­lakas ay ang anak nina Chris­topher de Leon at Sandy Andolong na si Mariel de Leon.

Ang laki ng iginanda ni Mariel at mukhang mas handa na ito nga­yon.

Malaking lamang nito ay marunong at magaling siyang sumagot.

Sumali rin ang ilang titleholders mula sa ilang beauty competition kagaya nina Miss Earth 2012 Stephanie Stefanowitz, Miss Philippines Air 2015 Chanel Olive Thomas, at Miss World Philippines 4th Princess Rachel Peters.

Puro magaganda rin at matatalino ang fresh faces na pursigidong makuha ang titulo.

Dinaluhan ni Miss International 2016 Kylie Versoza ang naturang selection para magbigay inspirasyon sa mga kandidata.

BOOM: Ipinatawag pala ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) kahapon ang mga taong involved sa teleser­yeng pinangungunahan ni Shaina Magdayao na Better Half ng ABS-CBN para humarap sa isang dialogue.

Kinausap sila ng bumu­buo ng Adjudication Committee ng MTRCB para bigyan ng warning na mag-ingat sa mga maseselang eksenang ipinapalabas dahil may mga nakakarating na complaints sa kanila.

Dapat daw nilang i-consider na panghapon ang natu­rang teleserye at maraming mga batang makakapanood.

Akala namin kasali si Mocha Uson sa humarap sa mga taga-Better Half pero hindi pala. Hindi pala miyembro ang sexy singer/blogger ng Adjudication Committee, kaya wala siya roon.

Napag-alamang bihira lang naman pala pu­ma­­pasok si Mocha sa MTRCB, kaya hindi niya nai­paparating sa Board ang mga hinaing at ilan pang reklamong natatanggap niya mula sa mga manonood. Kaya sa halip na iparating niya ito sa board, sa blog na lang niya ito sinasabi.

Ayon nga kay Chairman Rachel Arenas sa nakaraang interview namin, nasasabi naman daw ni Mocha kung ano ang gusto niyang sabihin at walang puwedeng pumigil sa kanya.

Pero totoo bang sa buong buwan ng Pebrero ay walong beses pa lang daw pumasok ng MTRCB si Mocha?

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with