^

Pang Movies

Stalker malungkot Nanay ng kambal ni Marlon itinago na ang personal na buhay!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Sad ang mga stalker dahil sarado na ang Facebook account ng model na si Kit Barraquias, ang babae na umamin na madir ng kambal na anak ni Marlon Stockinger.

Malungkot ang mga stalker dahil wala na silang mapupulot na balita tungkol sa personal activities ni Kit na buong ningning na nagsalita na biological father lamang si Marlon ng kanilang mga anak.

Kahit nag-babu na ang Facebook account ni Kit, marami ang nakapag-save ng litrato ng kanyang twin daughters.

Wish ko lang, huwag ikalat ang mga picture ng mga bagets dahil mga menor de edad sila. Puwedeng sampahan ng kaso ang gagamit sa kanilang mga litrato na pinulot mula sa FB account ng nanay nila.

Pia at Marlon friends pa rin sa social media

Kumalat kahapon ang balita na hindi na pina-follow nina Marlon Stockinger at Pia Wurtzbach ang social media accounts ng isa’t isa dahil sa paglabas ng interbyu kay Kit Barraquias.

May-I-deny ang Marlon-Pia fans dahil the last time daw na nag-check sila, follower pa rin ni Marlon ang Miss Universe na dyowa niya and vice versa.

Sumikat nang todo si Pia dahil nanalo siya ng Miss Universe crown noong 2015. Ka­kambal ng success niya ang atensyon ng publiko at ang mga komento na pabor at hindi pabor sa kanya.

In control at matapang na babae ang image ni Pia kaya knows ng mga nagmamalasakit sa kanya na malalampasan niya ang mga pagsu­bok sa relasyon nila ni Marlon.

Marlonedukado at disente

Na-meet ko na nang personal si Marlon dahil maraming beses na ipi­nainterbyu siya noon ni Shirley Pizarro.

Hindi katangkaran na mhin si Marlon pero napakaamo ng mukha niya.

Disente at edukado na bata ang impres­yon ko noon kay Marlon at hindi ito nagbabago, kahit high profile celebrity na siya. Hindi maiiwasan na makal­kal ang personal life ni Marlon dahil sikat na babae ang girlfriend niya.

Kiefer ‘dinamayan’ ni Marlon

Hindi nag-iisa si Marlon dahil dalawa sila ni Kiefer Ravena na talk of the town.

Parehong mga sports personality sina Marlon at Kiefer pero hindi sila ang unang atleta na nasangkot sa eskandalo dahil narasanan din ito noon nina Alvin Patrimonio, Senator Manny Pacquiao at kung sinu-sino pa.

Sa true lang, paulit-ulit at pabalik-balik lang ang mga isyu na kinasasangkutan ng mga kilala na male personality, sa sports o showbiz.

Kung magiging mapagmasid sina Marlon at Kiefer, mapapansin nila na kusang lumilipas ang mga eskandalo, kahit tanungin pa nila si Papa Manny na bugbog sarado noon sa mga intriga pero survivor at tahimik na ngayon ang pamumuhay.

Dating Commissioner Kim Henares hindi nami-miss ang BIR

Looking young and happy si former BIR Commissioner Kim Henares nang magkita kami kahapon sa lunch invite ni Mama Rhodora Morales, ang producer ng travel show ni Kris Aquino.

Malaking burden kasi ang nawala sa balikat ni Mama Kim buhat nang matapos ang serbisyo niya bilang head ng BIR. Bakas sa mukha ni Mama Kim na masaya siya ngayon at hindi niya nami-miss ang dating posisyon sa gobyerno na ipinagkatiwala sa kanya ni Noynoy Aquino.

vuukle comment

MARLON STOCKINGER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with