^

PSN Palaro

De La Hoya: Khan tatalunin si Pacquiao

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Dating promoter ni Bri­tish star Amir Khan si Oscar De La Hoya ng Golden Boy Promotions.

At sa ilang beses nilang pagsasama sa promosyon ay alam ng 44-anyos na si De La Hoya ang kakayahan ng 30-anyos na dating light welterweight titilst.

“Amir Khan is one of the best fighters on the planet. He has speed, he has po­wer. I just think that this fight would be a great one,”  ani  De La Hoya kay Khan na nakatakdang hamunin si Filipino world welterweight champion Manny Pacquiao sa Abril 23 sa United Arab Emirates.

Kapwa inihayag kamakailan ng 38-anyos na si Pacquiao (59-6-2, 38 KOs) at ng 30-anyos na si Khan (31-4-0, 19 KOs) sa kanilang mga Twitter account ang pagkakaplantsa ng laban nila.

Naniniwala si De La Hoya, ang tinaguriang “Golden Boy,” na tatalunin ni Khan si Pacquiao, itataya ang kanyang suot na World Boxing Organization welterweight crown.

“I give Amir Khan a great chance. I've always believed in Amir Khan,” wika ni De La Hoya, pinag­r­e­tiro ni Pacquiao isang taon matapos ang kanilang laban noong 2008.

Sa pustahan ay tuma­tayo si Pacquiao na isang minus-225 favorite kung saan ang tataya ng $225 para sa Filipino world eight-division champion ay mananalo lamang ng $100.

Si Khan ay may plus-175 na nangangahulugan na ang taya na $100 sa British star ay mananalo ng $175.

Hindi pa nakakapagpabagsak si Pacquiao ng kanyang kalaban sa huling walong taon.

At ang mahinang pa­nga ni Khan ang maaaring hanapin ni Pacquiao sa kabuuan ng kanilang laban.

Sa kanyang apat na pagkatalo ay nakalasap si Khan ng tatlong knockouts, ang una ay sa unang 55 segundo ng kanilang bakbakan ni Colombian Breidis Presscot noong 2008 sa Manchester.

Napabagsak din si Khan sa fourth round ni Danny Garcia noong 2012 at napatulog ni Canelo Alvarez sa sixth round ng kanilang middleweight fight noong nakaraang Mayo. (RC )

vuukle comment

AMIR KHAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with