^

Punto Mo

Krema (123)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“WALANGHIYA ka Paulo! Wala kang utang na loob! Kung hindi sa akin, baka patay ka na!” Sigaw ni Dang na patuloy na nagpipiglas sa pagkakatali sa kariton.

“Tumigil kang malandi ka. Akala mo hindi ko alam na gusto mong tikman ang Lex na ito. Dahil sa kalandian mo kaya nabubulilyaso ang lakad natin. At ano ang malay ko kung ikaw ang nagtago ng maletang may bushab.’’

“Hayop ka, Paulo! Pagbibintangan mo pa ako ngayon.’’

“Tuso ka, Dang. Kilala ko ang likaw ng matris mo. Marami ka nang pinahamak. Marami ka na ring pinapatay na pusher na hindi nakapag-remit.’’

“Kapag nakawala ako rito, ikaw ang uunahin kong patayin, Paulo. Wala kang utang na loob. At pagkatapos mo, isusunod ko ang baklang Lex na ‘yan. Ipakakain ko kayo sa mga buwaya!’’

“Hindi ka na makakawala Dang dahil diyan ka na mamamatay. Masosorpresa ka sa gagawin ko sa’yo.’’

“Put…..ka Paulo. Anong gagawin mo?”’

“Lalagyan ko lang naman ng apoy ang ilalim ng kariton. Tatapahan kita, hak-hak-hak!’’

“Sira na ang ulo mo, Paulo.’’

“Di baleng sira-ulo huwag lang katulad mo.’’

Saka binalingan si Lex na noon ay hawak ng dalawang lalaki. Halos hindi na ma-kagulapay si Lex dahil sa matinding pahirap.

“Hoy nasaan ang maletang may shabu. Nasaan?’’

Umiling si Lex.

Sinipa ni Paulo.

Umaringking sa sakit si Lex. Nagtapat ito.

“Na-nasa m-may p-puno ng b-banaba sa k-kulungan ng i-itik,’’ sabing hinang-hina.

“Halika, ituro mo!’’

Kinaladkad si Lex patungo sa kulungan ng itik.

(Itutuloy)

vuukle comment

KREMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with