^

Bansa

Parusa sa mga kawatan sa sementeryo mas mabigat na

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Papatawan na ng mas mabigat na parusa ang mga magnanakaw sa mga libingan at mga sementeryo.

Ito ay sa sandaling maisabatas ang House Bill 428 na inihain ni Pampanga Rep. Gloria Arroyo, kung saan pinaaamyendahan nito ang revised penal code para maisama sa krimen ang grave robbery.

Sa mga kasong kabilang sa articles 299 at 303, nakasaad dito na kapag ninakaw ang anumang parte ng puntod, kabaong, monumento o ano pang mga dekorasyon sa sementeryo ay papatawan ng parusang mas mataas sa nakasaad sa nasabing artikulo.

Ang nasabing article ay tumutukoy sa pagnanakaw sa mga titirahang bahay, gusali at mga lugar-sambahan gayundin sa pagnanakaw sa mga lugar na hindi tinitirahan o pribadong lugar.

Paliwanag ni Arroyo, inihain niya ang nasabing panukala dahil maging ang mga libingan ay hindi na rin pinalalampas ng masasamang loob.

Iginiit pa ng Deputy Speaker na bukod sa paglapastangan nito sa namayapa ay nakakadagdag pa sa pagdadalamhati ng naiwang pamilya.

Mas mataas din ang parusa na nais ipataw ni Arroyo sa pagnanakaw sa mga libingan kaysa sa pagnanakaw sa bahay, gusali at mga kaparehong lugar.

Sa halip na anim na buwan hanggang anim na taon, ang nais ng dating pangulo ay anim na taon hanggang 12 taon.

vuukle comment

PAMPANGA REP. GLORIA ARROYO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with