Department of OFWs, balak itayo
MANILA, Philippines – Upang maresolba ang talamak na illegal recruitment ay nais ni 1BAP Partylist Rep. Silvestre Bello III na magtayo ng Department of Overseas Filipino Workers (OFWs).
Ito ang inihayag ni Bello, matapos makumpirma na siya ang itinalagang kalihim ng Department of Labor ni incoming president Rodrigo Duterte.
Tutukan ni Bello ang pagbibigay proteksyon sa karapatan ng mga OFW na tinatawag ding mga bagong bayani.
Pinag-aaralan na rin nito ang paghahati sa Department of Labor and Employment (DOLE) upang maitatag ang departamentong tututok lamang sa pangangailangan ng mga OFW dahil sa biktima ng illegal recruiters na nakikipagsabwatan sa labor officials.
- Latest