^

Punto Mo

Napikon si Mayor Inday sa mga pasaway

BAKAS! - Kokoy Alano - Pang-masa

KINALAMPAG ng iba’t ibang grupo ng manggagawa ang administrasyon ni Pres. Rodrigo Duterte sa Davao City, na ikinapikon ni Davao City Mayor Sarah Duterte, kasabay nang pagdiriwang ng Labor Day. Pangunahing isyu rito ay ang end of contractualization (Endo), na pinangunahan ng Kilusang Mayo Uno at hinaluan ng mga naghahangad ng libreng pabahay para sa mahihirap daw na mga miyembro ng Kadamay sa Metro Manila.

Ang patuloy na paglaki ng populasyon ay isa sa nagtutulak ng kahirapan at kakulangan sa permanenteng pagkakakitaan at tirahan, sa dulo nito ay gobyerno ang pinalalabas na may kasalanan, at alam ito ni Digong.

Mas  marami sa mahihirap ang nag-aasawa sa murang edad at nag-aanak nang sobra sa kaya nilang buhayin, bukod pa sa mas marami rin sa kanila ang lulong sa masasamang bisyo.

May ilan sa lider at organizers ng mga grupong ito ang hindi totoong naghihirap, bagkus ay parang negosyo na ring maituturing ang nasa likod ng kanilang gawain. Kung talagang ang kapakanan ng mahihirap ang kanilang layunin, bakit wala silang programa para sa ikabubuhay at pagpaplano ng mga pamilya nito?

Bakit hindi nila akayin sa makabuluhang programa ang mga mahihirap na sa mga dyip at kariton na natutulog, pero patuloy ang pagdami ng mga anak? O baka naman talagang ito ang gusto nilang mangyari, para lumaki pa ang kanilang puwersa na ang adhikain ay manggulo sa mga nagsisikap na mga mamamayan at gobyerno para sa isang one sided na negosasyon. Hinuhulaan nang maraming kritiko na walang patutunguhan ang inilatag na peace process sa panig ng gobyerno at mga maka-kaliwang grupo. Ano sa palagay n’yo mapikon din kaya si Digong?

 

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with