^

Pang Movies

Nakawala na nga ba sa droga? Bukod sa pagpipinta, baron maglalabas na rin ng libro

- Baby E - Pang-masa

No kidding, but Baron Geisler will soon author a book, na ang title aniya ay ia-announce soon.

Kung hindi man busy sa paggawa ng movie o sa TV si Baron, ito ay dahil na-discover niya na ang kanyang bagong passion, ang pagpipinta.

Sikat na aktres,

Renovated din ang mukha

Bukod sa isang singer na grabe na maituturing ang ginawang pagpa-repair ng mukha, ganito rin daw, more or less, ang dinaanang proseso ng ngayo’y in demand leading lady, since magaling talaga naman siyang artista.

Fortunately for the two celebrities, walang kumukuwestiyon sa kanilang desisyon to submit to a total “make-over”.

As a veteran singer, who obviously have underline the same process said, kasalanan na ng isang celebrity na hindi ipa-improve ang kanyang sarili, kung can afford din naman siya.

Kasal nina Kaye at jake, ngayong december na

Sometime in December, yes, this year, ang gaganaping kasalan between Kapamilya actress, Kaye Abad, and former Pinoy Big Brother (PBB) housemate na si Paul Jake Castillo.

Hindi pa nila inaanunsyo ang petsa nito at kung saan magaganap.

Prominenteng pamilya ang mga Abad sa Cavite, samantalang ang mga Castillo naman owned one of the biggest at pinaka-prominenteng laboratories sa Cebu City.

Last TV appearances together nina Kaye at Paul Jake ang series na Two Wives, na siya ring naging ‘daan’ para magkagustuhan sina Erich Gonzales and Daniel Matsunaga, na nagwaging PBB champ naman na kasalukuyang nagbibida sa seryeng Be My Lady.

Zanjoe pinapatos lahat ng role

Alam n’yo ba na isa palang basketball player si Zanjoe Marudo noong siya ay nag-aaral sa San Beda College?

Dati rin siyang ramp at commercial model.

Pagkatapos noon nakasali na siya sa Pinoy Big Brother (PBB) and the rest is history.

Hindi man siya nakasama sa top three nang matapos ang season na kanyang kinabibilangan, naging artista naman siya.

He has since proven his versatility, kumbaga, since then. Ayaw niya ring tumanggi sa mga anumang klase ng role na ino-offer sa kanya.

Tulad na lang ng currently showing movie na The Third Party, kung saan gumanap siya bilang all-out gay na nakipag-live in pa sa isang bisexual, na ginagampanan naman ni Sam Milby.

Hindi ito ang unang beses na gaganap si Zanjoe ng gay role. Dahil nang gumanap siyang kambal sa Bromance, macho at gay ang kanyang mga role, kung saan leading lady niya pa si Cristine Reyes.

Si Cristine rin ang kanyang partner sa Tubig at Langis, na tinampukan din ni Isabelle Daza.

Sa kanya namang next assignments, masusubok daw ang kanyang kakayanan sa pagpapatawa. Sa nasabing project din ay first time nilang magsasama ni Arci Muñoz.

vuukle comment

BARON GEISLER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with