Kapunan, Ferrer bati na

MANILA, Philippines — Nagkabati na nitong Lunes, Agosto 17, sina prosecution private counsel Atty. Lorna Kapunan at defense counsel Atty. Kristine Ferrer ilang minuto bago muling nagsimula ang ika-16 araw ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte sa Senado.
Si Kapunan ang unang lumapit kay Ferrer upang makipagbati sa batang legal counsel ni VP Sara. Nagyakapan ang dalawang abogado bago magpatuloy ang paglilitis, kasunod ng kanilang mainit na banggaan hinggil sa paggasta ng P612.5 milyong confidential funds ng Bise Presidente.
Ikinatuwa ng magkabilang panig, prosecution, at defense panels, maging ng mga senator-judges ang naging pagbabalik ng magandang samahan ng dalawang abogado.
Noong nakaraang linggo, sa cross-examination, nagkaroon nang matinding sagutan sina Kapunan at Ferrer. Umabot pa sa punto na binitiwan ni Kapunan ang biro na “malapit na niya itong mapalo.” Nag-ugat ang tensyon sa umano’y misleading questions na ayon kay Kapunan ay hindi pinahihintulutan sa cross-examination. Giit naman ni Ferrer, pinapayagan ito at idinagdag pa niyang idolo niya si Kapunan at “on cross examination” pa siya.
Samantala, lalong uminit ang usapin nang mag-post si Atty. Amando Virgil Ligutan sa social media ng: “A legal principle that every law student and lawyers know by heart that misleading questions is not allowed during cross examination.”
Pinuna ito ni Atty. Shiela Sison, na tila patama umano sa defense counsel. Tugon ni Ligutan, legal na prinsipyo lamang ang kanyang binanggit at wala siyang pinangalanan. Giit pa niya, hindi niya buburahin ang naturang post.
- Latest



















