^

Probinsiya

‘Hitman’ na umambus sa pulis, trike driver arestado

John Unson - Pilipino Star Ngayon
‘Hitman’ na umambus sa pulis, trike driver arestado
Nakadetine na ang suspek sa pag-ambush sa pulis na ikinasawi ng isang estudyanteng tricycle driver na nadamay lang sa pamamaril sa Cotabato City nitong Linggo.
John Unson

Love triangle, motibo sa krimen

COTABATO CITY, Philippines — Naaresto na ng mga awtoridad nitong Lunes ng hapon, sa tulong ng mga impormanteng Muslim at Christian, ang isang dayong hitman na nakabaril at nakapatay sa isang tricycle driver at nakasugat sa isang off-duty na pulis dahil sa “love triangle” sa ambush sa Barangay Poblacion 5, dito lungsod nitong Linggo. 

Nakapiit na ang 29-anyos na salarin na kinilalang si Jamir ­Diduanda Sailon, residente ng Purok Kabisig, Barangay Sta. Maria, Kalamansig, Sultan Kudarat sa detention facility ng Cotabato City Police Station 2 sa Rosary Heights, Cotabato City.

Umamin umano si Sailon kay Cotabato City Mayor Bruce Matabalao, sa presensya ng mga reporters, sa kanyang tangkang pagpatay gamit isang .45 caliber pistol nitong tanghali ng Linggo, sa Jose Lim Sr. Street sa Brgy. Poblacion 5, sa noon ay sakay ng motorsiklong si PCpl. Titing Kauring na nagresulta sa pagkamatay ng tricycle driver na si Bassir Gapor, nang madamay sa ambush. 

Sa pahayag ni Sailon, si Cpl. Kauring ang target ni Sailon sa pamamaril dahil sa matinding personal na galit at pagseselos.

Inamin umano ng suspek na gusto niyang itumba si Cpl Kauring dahil nadiskubre niyang karelasyon nito ang kanyang misis.

Sa ulat ni Col, Jibin Bongcayao, director ng Cotabato City Police Office, ang mga nasugatan naman sa pananambang na sina Kauring at ang menor-de-edad na si Yusseff ay parehong nasa ligtas ng kalagayan.

Ayon kay Bongcayao, nakumpiska mula kay Sailon ng mga pulis at Marines ang .45 caliber pistol na kanyang ginamit sa pamamaril kay Kauring na nagresulta sa pagkamatay ni Gapor sanhi ng mga tama ng stray bullets.

CRIME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with