^

Police Metro

Rider nahulog sa tulay, todas

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang motorcycle rider matapos bumangga sa concrete barrier bago mahulog sa tulay matapos mawalan ng control sa pagmamaneho naganap nitong Linggo ng gabi sa Pandacan, Maynila.

Ang nasawing biktima na nagtamo ng ma­tinding pinsala sa ulo at katawan ay kinilalang si alyas “James”, nasa hustong gulang, call center agent at residente ng G. Araneta Avenue, Quezon City.

Sa inisyal na ulat ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), bago naganap ang aksidente, alas-6:30 ng umaga sa Zamora Link Bridge sa Pandacan ay kasalukuyan minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo (189-XYI) at binabagtas ang ibabaw ng tulay nang biglang mawalan ng kontrol at bumangga sa concrete bridge barrier.

Sa tindi ng impact nang pagkakabangga ay tumilapon ang biktima at nahulog sa ibaba ng tulay na nagresulta sa matinding pagkasugat.

Rumesponde ang me­dical team mula sa Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at isinugod ang biktima sa Sta.Ana Hospital ngunit idinekla­rang dead-on-arrival.

 

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with