PANOORIN: Malacañang kay Sara: Walang EJK ngayon at buhay pa rin ang mga kritiko
MANILA, Philippines — Sinagot ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro ang pahayag ni Vice President Sara Duterte sa Sarangani kung saan binanggit nito ang “masamang damo, matagal mamatay BBM” at mga pahayag kaugnay ng umano’y suspensyon ng mga kritiko ng gobyerno.
Sa press briefing, iginiit ni Castro na walang naitatalang sinuspindeng opisyal dahil lamang sa kritisismo sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.
“Wala pa po akong nabalitaang sinuspend but if ever may ma-suspend, kritiko at least, hindi na EJK, buhay pa rin,” ani Castro.
Ayon pa sa kanya, ang mga aksyon ng pamahalaan ay nakabatay sa batas at hindi sa simpleng pagbatikos, at ang mga kasong isinampa ay may kaugnayan sa paglabag gaya ng pagpapakalat ng fake news.
Samantala, tumugon din si Castro sa iba pang bahagi ng pahayag ni Duterte, kabilang ang “masamang damo” na tinukoy niya bilang patungkol sa ama ng Bise Presidente na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
"Patungkol naman sa sinasabing masamang damo, madaling mamatay BBM, sa aking pagkakaalam ay nabanggit niya si dating Pangulong Duterte, kinukuwento niya about this, so tama naman na masamang ang pagkaka-describe niya sa kanyang ama dahil sino ba ang umamin na siya ay pumapatay?" sabi niya.
- Latest























