^

Punto Mo

‘Himala’ (Part 3)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

ARAW-ARAW akong nagdarasal sa simbahan na dinadaanan ko. Malapit lamang iyon sa unibersidad na pinapasukan ko. Bago pumasok sa unibersidad, doon muna ako sa simbahan at taimtim na nagdarasal para sa kaligtasan ng aking tatay na nakitaan ng bukol sa kanyang baga.

Kahit umuulan, hindi ako pumapalya sa pagpasok at pagdarasal sa simbahan. Ang ginagawa ko, inaagahan ko ang pasok para matagal ang aking pagdarasal. Umaalis ako ng bahay ng alas sais ng umaga. Halos isang oras ang pagdarasal ko sa simbahan. Alas siyete ang time ng una kong klase kaya napaglalaanan ko nang oras ang pagdarasal. Malaki ang paniniwala ko na diringgin ng Diyos ang pagsusumamo ko.

Naniniwala ako na ang lawak nang maaaring gawin ng Diyos sa buhay ng tao ay kadalasang nakabatay sa kung gaano tayo kalakas maniwala. Pagtitiwala na walang pag-aalinlangan na diringgin ng Diyos ang hinihiling. Ang imposible sa tao ay posible sa Diyos. Naniniwala ako na ang pananampalataya ang nagbubukas ng pinto upang maranasan ang mga imposible.

Malakas ang paniniwala ko na diringgin ng Diyos ang aking kahilingan na gumaling o “mawala” ang nakitang bukol sa baga ni Tatay.

(Itutuloy)

HIMALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with