^

PM Sports

Jovic hanga kay Eala

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mataas ang respeto ni Iva Jovic kay Alex Eala na isa sa pinakamalapit nitong kaibigan sa WTA Tour.

Itinarak ni Jovic ang 6-4, 6-2 panalo laban kay Eala sa opening round ng French Open sa Paris, France.

“I think there’s so much respect there with me and Alex as players, as a person. I know how she plays, we practiced together a ton, she’s a baller,” ani Jovic.

Ibinahagi ni Jovic na isa si Eala sa mababait na nakilala nito sa WTA Tour na laging nakasuporta sa kanya.

Kaya naman suportado rin ni Jovic ang bawat laban ni Eala.

“She’s one of the nicest people. I’m here for her, she’s there for me. We gave each other a big hug before the match and same after,” ani Jovic.

Aminado si Jovic na mahirap makalaban ang kaibigan dahil isa ang kailangang manalo, isa ang matatalo.

Ngunit masaya ito na magkaroon ng kaibigan sa Tour dahil hindi biro ang makipagbakbakan sa ganito kabigat na mga torneo.

Magandang may mga kaibigan itong nakakasama, nasasandalan at nakakausap kaya’t mas nagiging masaya ang Tour sa kanya.

Tuluyan namang natapos ang kampanya ni Eala sa French Open sa Paris, France.

Ito ay matapos mag-withdraw sina Eala at Victoria Mboko ng Canada sa doubeles event.

Walang inilabas na statement kung ano ang dahilan ng withdrawal nina Eala at Mboko.

Nakatakda sanang harapin nina Eala at Mboko sina Leylah Fernandez ng Canada at Diana Shnaider ng Russia.

Subalit base sa website ng French Open, naka­lagay na kanselado na ito at pinalitan na ang pangalan nina Eala at Mboko sa makakalaban nina Fernandez at Shnaider.

ALEX EALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with