^

Bansa

Training ala-ROTC sa mga estudyante suportado sa Senado

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Training ala-ROTC sa mga estudyante suportado sa Senado
Ayon kay Pimentel, hindi na maiiwasan na hindi gamitin ng gobyerno ang serbisyo ng mga kabataan dahil na rin sa banta ng iba’t ibang uri ng kalamidad.
Senate PRIB/Joseph Vidal

MANILA, Philippines - Sinuportahan kahapon ni Senate President Koko Pimentel ang plano ni Pangulong Duterte na ibalik ang training ng mga estudyante na kahalintulad ng Reserve Officers’ Training Corps (ROTC).

Ayon kay Pimentel, hindi na maiiwasan na hindi gamitin ng gobyerno ang serbisyo ng mga kabataan dahil na rin sa banta ng iba’t ibang uri ng kalamidad.

Sinabi ni Pimentel na suportado niya ang plano ng Pangulo na isama sa school curriculum ang training program na katulad ng ROTC.

Kaugnay nito, inihain ni Pimentel ang Senate Bill No. 1322 na naglalayong magkaroon ng isang Citizen Service Training Course (CSTC), kung saan lilikhain naman ang isang Citizen Service Corps (CSC) at Citizen Service Mobilization Commission (CSMC).

Sinabi ni Pimentel na dapat maging ganap na batas ang panukala dahil na rin sa iba’t ibang emergencies at contingencies na dulot na mga kalamidad bukod pa sa national at internal security threats na kinakaharap ng mga mamamayan.

Pag naging batas, ang CSTC ay ibibigay sa lahat ng estudyante sa tertiary level na naka-enroll sa baccalaureate degree courses o technical vocational courses sa lahat ng public at private colleges, universities at kahalintulad na institusyon.

Tiniyak naman ni Pimentel na hindi na mauulit sa pagpapatupad ng panukala ang mga kontrobersiya na naganap noong ipinatutupad pa ang ROTC katulad ng iba’t ibang uri ng pang-aabuso at katiwalian.

KOKO PIMENTEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with