^

Probinsiya

‘Killer’ ng anak ng trader, pulis at tserman sa Cavite, arestado

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon
‘Killer’ ng anak ng trader, pulis at tserman sa Cavite, arestado
Arrested stock photo.
Philstar.com / Jovannie Lambayan, file

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Makaraan ang 10 taong pagtatago, bumagsak din sa mga kamay ng mga otoridad ang pangunahing suspek sa pagpatay sa anak ng cable businessman, pulis at punong barangay sa Cavite mula noong 2015-2016, sa ikinasang operasyon sa Tarlac.

Sinabi ni Lt. Col. Louie Gonzaga, hepe ng pulisya ng Naic, Cavite na ang suspek na kinilala sa alyas “Farell,” 40, na itinuturing bilang numero one sa ilalim ng listahan ng Most Wanted Persons-Regional level sa Southern Tagalog, ay sa wakas nasakote  sa kanyang pinakabagong lugar sa Barangay Anupul, Bamban, Tarlac, noong Sabado.

Bukod dito, ang suspek ay dating Punong barangay tanod sa Barangay Latoria, Silang, Cavite at siya rin ay nakalista bilang High Value Target Individual list sa droga.  Siya ay may nakabinbing warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Lerio Castigador, ng Regional Court, Branch 15, Naic, Cavite para sa tatlong bilang ng pagpatay at apat na bilang ng homicide sa Cavite mula noong 2015, 2016 at 2023.

Ani Gonzaga, kabilang sa napatay ng akusado ay ang anak ng may-ari ng Naic Cable sa Sabang noong 2015 at anim na iba pa sa pagitan ng 2016, 2018 at 2023 kabilang ang pagpatay sa pulis at pagpatay sa isang Barangay Chairman ng Palanggue Central noong 2016.

Nagtago ang suspek sa Bamban, Tarlac matapos na ilabas ng korte ang kanyang unang warrant of arrest at nag-asawa roon saka nagtrabaho bilang driver sa isang hotel sa Angeles City.

ARRESTED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with