PANOORIN: Resibo ng confidential funds ni VP Sara 'di dapat acknowledgment lang – COA auditor
MANILA, Philippines — Ipinakita sa impeachment court nitong Lunes, August 3, ang ilang acknowledgment receipts na isinumite ng Office of the Vice President kaugnay ng confidential funds nito.
Kabilang sa mga resibong sinuri ng dating Commission on Audit (COA) auditor na si Roderick Wamil ang mga dokumentong nakapangalan sa iba't ibang recipient. Binusisi ang mga ito batay sa halaga, layunin at supporting documents.
Ayon kay Wamil, hindi sapat ang acknowledgment receipt lamang para patunayan ang ilang gastusin.
Para sa payment of rewards, kailangan din umano ng dokumentong magpapakita na naging matagumpay ang information gathering o surveillance activity na naging batayan ng pagbabayad.
Si Wamil ay tumestigo bilang witness ng prosekusyon sa pagtalakay ng Senate impeachment court sa Article I ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte, na tumutukoy sa umano'y maling paggamit ng confidential funds.
- Latest



















