^

Metro

C-5 Quirino Flyover pinagigiba para sa LRT-1 Cavite Extension

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nanawagan si Las Piñas Rep. Mark Anthony Santos sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na gibain na ang baha­ging humaharang ng C-5 Quirino Flyover upang mapabilis ang matagal nang naaantalang LRT-1 Cavite Extension Project.

Ayon kay Santos, ang flyover ang isa sa pangunahing hadlang sa pagpapatuloy ng Phase 2 ng proyekto, na sasaklaw sa mga istasyon ng Las Piñas at Zapote. Aniya, ang hindi pa nareresolbang isyu sa right-of-way ang patuloy na nagpapabalam sa konstraksyon.

Binigyang-diin ng kongresista na dapat tularan ang ginawang pagbuwag sa Tandang Sora Flyover noong 2019 upang bigyang-daan ang MRT-7, sa halip na baguhin ang disenyo ng proyekto.

“Giniba ng pamahalaan ang Tandang Sora Flyover upang bigyang-daan ang MRT-7. Dapat ding gawin ito sa C-5 Quirino Flyover kung ito ang kinakaila­ngan upang matapos ang LRT-1 Cavite Extension Project,” ani Santos.

Sinabi pa ng mambabatas na ipinaalam na niya kay DPWH Secretary Vince Dizon na ang C-5 Quirino Flyover ang pangunahing dahilan ng pagbabago sa naaprubahang 2022 alignment ng LRT-1 Cavite Extension Project.

LRT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with