^

Police Metro

Riding in tandem, 1 pa timbog sa baril at Granada

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang riding-in-tandem at isa pang rider ang naaresto sa “Oplan Sita” nang mahulihan sila na may dalang baril at granada, sa Pasay at Las Piñas City, nitong Linggo ng madaling araw.

Sa ulat, alas-12:55 ng madaling araw nang maaresto sa checkpoint ng Las Piñas City Police Station sa Diego Cera­ ­Avenue, Barangay Pulang Lupa Uno ang isang alyas “Mark”, 29, residente ng San Dionisio ng nasabing lungsod.

Pinara si Mark at napansin ang nakabukol sa kanyang beywang, kaya kinapkapan at nadiskubre ang kalibre .22 na pistol na may 10 bala ng walang kaukulang dokumento.

Sa ulat naman ng Pasay City Police Station-Sub-station 1, alas-3:35 ng madaling araw ay inaresto ang magkaangkas sa motorsiklo dahil sa pagdadala ng baril at granada.

Pinara ng mga pulis ang suspek na sina alyas “Daniel”, 23; at alyas “George”, 20, sa panulukan ng Roxas Boulevard at San Juan St., dahil sa kawalan ng plaka ng sinasakyang motorsiklo at nakasuot pa ng balaclava at helmet.

Sa halip na huminto humarurot kaya nauwi sa habulan at nang magtangka magpaputok ng rider ay naagawan siya ng baril ng mga pulis.

Ang backrider naman ay nakitang may kinukuha sa bag, subalit napigilan din ang kamay nito na sa huli ay natuklasang isang hand grenade.

Ang tatlo ay kinasuhan na at nahaharap sa reklamong paglabag sa RA 10591, RA 9516 (Illegal/Unlawful Possession of Explosives), at Article 151 ng Revised Penal Code.

RIDING-IN-TANDEM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with