^

True Confessions

Suklam (2)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Gusto na ni Brent na umalis nang makitang may “ginagawa” si Vivian at ang lalaki. Pero nanaig sa kanya na makita kung sino ang lalaking kaulayaw ni Vi­vian, Nakatalikod ang lalaki at bahagyang madilim sa bahaging iyon ng stockroom kaya hindi niya maanyuan ang lalaki. Bukod dun, gusto rin niyang makasaksi ng ibang panoorin na nun lang niya mararanasan. Live pa! Kahit may mga mapapanood na porno sa website, hindi siya nasanay na manood ng mga kalaswaan on line.

Habang pinanonood ang “ginagawa” nina Vivian at kasama, biglang naisip ni Brent kung bakit tuwing Sa­bado ay narito ang babaing supervisor subalit hindi naman nag-oobertaym. Meron pala silang ginagawa rito sa stockroom. Pero bakit kaya ito ginagawa ni Vivian e may asawa siya? Ang alam niya, dalawa ang anak nito.

Maya-maya, tumagilid ang lalaking kaulayaw ni Vivian at napigurahan ito ni Brent—si Oscar. Kasamahan niya ito sa department. Alam niya bi­nata si Oscar. Bakit kaya pinatulan ni Oscar si Vivian? At bakit dito pa sa stockroom e puwede naman silang mag-motel. Siguro’y si Vivian ang atat na atat kaya hindi na lumabas pa para magmotel. Gastos pa nga naman.

Sabagay, noon pa, ang tingin niya kay Vivian ay ba­baing madaling “hatakin” o “malambot ang ilong”.

Malagkit ito kung tumi­ngin sa lalaki. Ilang beses na niyang nahuhuli si Vivian na nakatingin sa kanya na para bang “sina-size” siya.

Natapos ang “ginagawa” nina Vivian at Oscar. Nawala na ang langitngit at ang hi­ngasing ni Vivian.

Dahan-dahan si Brent na naglakad patungo sa pinto. Hindi siya gumagawa ng ingay at baka mabulabog ang dalawa.

Nang makalabas siya sa stockroom ay nakahinga­ siya nang maluwag. Lihim siyang napangiti.

Bistado na niya ang “lihim” nina Vivian at Oscar.

Maari niyang pasabugin ang “lihim” ng dalawa—lalo si Vivian na isang taksil!

(Itutuloy)

vuukle comment

LIVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with