^

True Confessions

Kaibigan (108)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Masaya ang pagsasama nila ni Tess. Sa kabila na hindi sila kasal, ang pagsasama nila ay higit pa yata sa talagang kinasal. Maasikaso si Tess kay Dex. Alagang-alaga. Pinagsisilbihan. Kahit na sabihin niya rito na masyado naman siyang binibeybi, hindi rin niya mapigilan. Kahit alam niyang pagod si Tess sa pagtatrabaho sa opisina, ito pa rin ang nagluluto pagdating nila. Kapag tutulungan niya ito sa paghahanda ng kakainin ay pinagagalitan siya. Maupo na lang daw siya sa sopa at tatawagin kapag kakain na. Ayaw siyang paghugasin ng pinggan at baka raw mapasma. Parang sa ginagawa ni Tess na paghuhugas ng pinggan ay hindi ito mapapasma.

Ang mga ginagawa ni Tess kay Dex ay nagpapakita lamang na talagang mahal na mahal niya ang lalaki. Walang kaduda-duda. At para kay Dex, sapat na ang mga ginagawa ni Tess para mahalin din niya ito. Mahal na rin niya si Tess.

Pero minsan, may tanong si Dex na hindi niya magawang itanong kay Tess: Bakit hindi pa ito nabubuntis? Ilang buwan na silang nagsasama at wala pang pumipintig sa sinapupunan nito.

(Itutuloy)

vuukle comment

TESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with