^

True Confessions

Huling Eba sa Paraiso (127)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

‘‘Kapag nakakakalap­ na tayo nang mati­tibay na ebidensiya laban kay Mr. C, kukuha tayo ng warrant of arrest sa judge. Kapag nakakuha na tayo, tiyak na maisi­silbi natin ang warrant at maaaresto na natin ang drug lord na salot sa bayang ito,’’ sabi ni Luke sa seryosong boses.

“May isa nang matibay na ebidensiya, Luke — si Marianne na na-res­cue ko sa club. Siya ang makakapagpatunay sa prostitution den ni Mr. C. Siya mismo ay nakaranas ng kahayupan ni Mr. C.’’

“Okey tamang-tama. Tapos itong si Lando at Kardo pala ay mga naging biktima rin ang kanilang mga kamag-anak. Naging addict pala ang kapatid ni Lando at nasadlak naman sa prosti­tution ang pinsan ni Kardo, tama ba?’’

“Oo.’’

“Ang kailangan natin ay konkretong ebiden­siya na magdidiin kay Mr. C at mga kasama niya. Sisi­guruhin natin na hindi tayo madadale sa techni­calities. Marami kasing pang­yayari na ang mga pulis na ka­tu­lad ko, sa kabila na kum­pleto sa ebidensiya ay na­bubutasan lalo na kung magaling ang abogado ng inaakusahan. Katiting kasi na mabutasan, absuwelto ang akusado. Sayang ang paghihirap ng pulis na makasuhan ang mga kriminal. Kaya mag-iingat tayo—doble ingat o triple pa dapat.’’

‘‘Marami akong natutunan sa’yo, Luke. Dapat pala maging maingat.’’

“Oo, Drew.’’

Maya-maya seryosong nagtanong si Luke.

“Di ba ang sabi mo, na-rescue mo ang babae —si Marianne sa club, desidido ka talaga na tulungan siya hanggang sa wakas?’’

“Noon ay nagda­lawang-isip ako kung itutuloy ba ang pagtulong sa kanya — at nagpasya na ako, Luke — tuloy na ito. Kailangan ang hustisya kay Marianne.’’

“Sige! Tuloy ang laban!’’

Kinabukasan, kinausap ni Luke si Drew.

“Lalakad tayo Drew.’’

“Saan?’’

“Kakalap tayo ng ebidensiya!’’

(Itutuloy)

vuukle comment

EBA

LUKE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with