^

True Confessions

Ahas sa Garden (397)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“Pasok ka po, Mang Alexis!”’ nahihiyang an­yaya ni Nicole sa hindi niya inaasahang pagdating ni Alexis at makikipagkuwentuhan daw.

“Talagang wala kang­ gagawin ngayon­?’’

“Opo. Wala po. Pasok ka po.’’

Pumasok si Alexis.

Napansin ang malinis at makintab na suwelo.

‘‘Ang kintab ng sahig mo. Paano mo pi­nakintab?’’

“Lagi ko pong pi­nupunasan ng basahan.’’

“Ngayon lang ako nakakita ng napaka­kintab na sahig. Ang sipag mo talaga Nicole.’’

“Salamat po. Ma­upo ka Mang Alexis at kukuha lang ako ng meryenda mo. May ginataan po akong bilo-bilo. Kaluluto ko lang po.’’

“Aba paborito ko yan? Maraming halo?’’

“Opo. May saging­ na saba, kamote, ube, sago at langka.’’

“Wow. Sige kumuha­ ka at bigla akong na­gutom.”

“Saglit lang po.’’

Tinungo ni Nicole ang kusina.

Pinagmasdan naman­ ni Alexis ang makintab na suwelo na para bang pati ang langgam at ipis ay madudulas dito. Napakasipag talaga­ ni Nicole. Paano pa kaya siya nakakapag­linis nitong bahay halos okupado ang kanyang oras ng pagtatrabaho sa gulayan at nag-aaral naman sa gabi. Nakakahanga si Nicole!

Nasa ganun siyang pag-iisip nang lumapit si Nicole dala sa tray ang umuusok na gina­taang bilo-bilo.

‘‘Eto na po ang bilo-bilo,” sabi nito at ibinaba sa mesita.

“Halika, kain tayo.’’

“Kakakain ko lang po.’’

Nagsimulang kumain si Alexis.

‘‘Ang sarap!’’

‘‘Salamat po.’’

Sarap na sarap si Alexis sa pagkain.

(Itutuloy)

vuukle comment

ALEXIS

NICOLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with