^

True Confessions

Ahas sa Garden (396)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

Pinagbuti pa ni Nicole ang pag-aaral. Kapag may bakanteng oras o kapag absent ang kanilang propesor sa libra­ry siya nagtutungo para mag-aral.

Kaya nang matapos ang unang semester, nasa dean’s lists na naman siya. At kapag nasa dean’s list, may discount sa tuition. Kaya maliit na lang ang babayaran niya sa susunod na pasukan. Malaki rin ang diskuwento sa matrikula.

At kahit na kaya ni Nicole na tustusan ang sarili sa pag-aaral, si Alexis pa rin ang nagbabayad ng kanyang tuition. Hindi naman siya makatanggi at baka magalit si Alexis. Bigla na lang kasing iaabot sa kanya ang isang sobre na may pera para pangmatrikula.

“May masosobra po sa perang ito, Mang Alexis,’’ sabi ni Nicole.

“Bakit sosobra?’’

E kasi po kasama na naman ako sa dean’s list at kapag po ganun, may discount sa tuition. Ibabalik ko po kapag may sobra.’’

“Huwag na. Itago mo na lang para may ekstrang pera ka.’’

“Malaki po ang magiging sobra nito.’’

“E ‘di mas maganda para marami kang ipon.’’

“Salamat po uli.’’

“E ‘di sa sunod na semester kapag nasa listahan ka na naman ng dean e may discount uli?’’

“Opo. Baka mas malaki po ang discount.’’

“Kailangan pala e husayan mo pa.”

“Oo nga po. Huhusayan ko pa.’’

ISANG araw ng Linggo na walang trabaho si Nicole, nagulat siya sa big­lang pagdalaw ni Alexis.

“Busy ka ba ngayon, Nicole?’’

“Hindi po. Bakit po Mang Alexis?’’

“Gusto ko sanang maki-pagkuwentuhan sa’yo.’’

Hindi makapagsalita si Nicole. Pero natutuwa siya sa pagdalaw ni Mang Alexis.

(Itutuloy)

vuukle comment

ALEXIS

NICOLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with