^

True Confessions

Ahas sa Garden (368)

Pilipino Star Ngayon

“Sige pumili ka na ng underwear mo Nicole, huwag ka nang mahiya,” sabi ni Alexis.

Hindi na nagpakipot pa si Nicole sapagkat talaga naman na kailangan niya ang mga underwear. Mahalaga ang underwear.

Tinungo niya ang section para sa underwear at pumili ng panties at bra. Sinundan siya ni Alexis.

“Okey na ba ‘yan? Dagdagan mo, Nicole. Gawin mong isang dosena.’’

Napangiti si Nicole. Talagang galante si Mang Alexis.

“Parang ang dami naman po ng isang dosena.”

“Mas mabuti ang marami para may reserba.’’

Sinunod ni Nicole si Alexis. Kumuha siya ng isang dosenang panties at ilang bra.

Pagkatapos ay nagtu-ngo na sila sa cashier para bayaran ang lahat nang pinamili. Bitbit ni Alexis ang mga damit na pinamili.

Subalit nang may ma­daanan silang nakadis-pley na bestida, tinawag ni Alexis si Nicole.

“Nicole, sandali!’’

“Bakit po Mang Alexis?’’

“Ang ganda ng bestidang ito. Palagay ko bagay sa iyo ito.’’

Tiningnan ni Nicole. Maganda nga.

“Isukat mo nga Nicole.’’
“E…’’

Ipinakuha ni Alexis ang bestida sa babaing nag-aasist sa customer. Kinuha ng babae at ibinigay kay Nicole. Itinuro nito ang fitting room. Tinungo ni Nicole para isukat ang bestida. Sumunod si Alexis na bitbit ang mga pinamili.

Maya-maya, lumabas na si Nicole na suot ang damit.

Hindi makapaniwala si Alexis sapagkat napakaganda ni Nicole nang na-kabihis na ito.

“Wow ang ganda mo, Nicole!” Sabi ni Alexis na hindi na nakapagpigil sa paghanga.

(Itutuloy)

vuukle comment

ALEXIS

BRENDA

NICOLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with