^

True Confessions

Salome (61)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NAKANGITI si Amy habang lihim na kinukunan, gamit ang kanyang cell phone, ang pag-aabot ni Sir Hector ng pera kay Salome. Maraming kuha ang ginawa ni Amy para lubusang maipakita kay Mam Pilar ang nangyari. Ma­tibay ang kanyang ebidensiya at hindi maaakusahang nag­lulubid lamang ng bu­hangin. Sa mga kuhang iyon, tiyak na ang pagpapala­yas ni Mam Pilar kay Salome. Hindi ma­kakapiyok si Salome sapagkat matibay ang ebidensiya nang pag-aabutan ng pera.

Hanggang sa ma­kita ni Amy na umalis na si Sir Hector at nagpatuloy naman sa paggagamas ng damo si Salome.

Nagmamada­ling umalis si Amy sa bintana at baka makita siya ni Sir Hector. Nag­tungo siya sa kan­yang kuwarto sa basement at saka ni­rebyu ang mga kuha. Napakalinaw ng kanyang kuha kina Sir Hector at Salome. Itinago niya ang cell phone. Pagda­ting ni Mam Pilar mula sa pagka-casino ay ipakikita niya ang mga kuha. At tiyak na alam na niya ang kasunod niyon. Lilipad na si Salome. Napahalakhak nang lihim si Amy.

Samantala, agad namang ikinuwento ni Salome kay Manang Sabel ang mga sinabi ni Sir Hector sa kanya sa halamanan. Pati ang pagbibigay ng pera ay ikinuwento niya.

“Mabuti naman at kinampihan ka ni Sir Hector, Salome. Kung halimbawa’t hindi, ka­wawa ang kalagayan mo rito. Talagang ma­­bait ang Diyos sa iyo. Mabait ka kasing bata.’’

“Siguro po’y dahil na rin kay Mac kaya ako kinakampihan ni Sir Hector. Si Mac po ang nag-insist kay Sir Hector na pag-aralin ako. Nakinig po si Sir Hector kay Mac.’’

“Maaasahan tala­ga si Mac. Kilala ko ang batang iyon na makatwiran at maru­nong umunawa sa kalagayan ng kapwa.’’

“Oo nga po Ma­nang.’’

“Hindi ba nanliligaw sa iyo si Mac.’’

“Naku hindi po.’’

“Bakit kaya ganun na lamang ang pagmamalasakit sa’yo.’’

“Hindi ko po alam, Manang.’’

“Masyadong nawili sa paglalakad ang ba­tang ‘yun. Kailan kaya siya titigil.’’

Napangiti lang si Salome.

Hanggang may na­alala.

“Kinakabahan lang ako Manang sa sinabi ni Sir Hector na aalis pala siya at matagal bago baba­lik. Baka po may ga­win sa akin si Mam Pilar.’’

“Huwag kang ma­takot. Nasa tabi mo ako.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

8990 HOLDINGS

CEBU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with