^

True Confessions

Black Widow (143)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“ALAK? Marami akong alak, Jose. Iinom ka?’’ Tanong ni Jam habang ang kaliwang palad ay nakatakip sa hubad na dibdib.

“Oo, shot muna tayo,” sabi ni Jose na iniwasang tingnan ang malulusog na dibdib ni Jam.

Nagtawa si Jam. Nagdududa sa sinabi ni Jose.

‘‘Hindi ka naman umiinom. Niloloko mo yata ako.’’

“Nagsasabi na nga ako sa’yo e tapos ayaw mong maniwala. Ilabas mo nang alak mo. Mas masarap humalik kapag nakainom.’’

Napatitig si Jam. Mukhang seryoso nga si Jose.

‘‘Totoo bang sinasabi mo Jose?’’

“Totoo.’’

“Paano si Marie?’’

‘‘Puwede namang dalawa di ba?’’

Napatitig muli si Jam kay Jose. Hindi pa rin makapaniwala sa narinig.

“Ba’t bigla kang nagbago ng pasya. Kanina parang ayaw mo akong ihatid. Noong nasa parking tayo ng mall, ayaw mo akong halikan.’’

“Puwede namang magbago ng pasya ang bawat tao. Naisip ko, puwede naman ang dalawa. Di ba ikaw pa ang nagsabi na puwede ka namang umamot ng pagmamahal. O ngayon, puwede na.’’

Napangiti si Jam. Lumapit kay Jose. Naupo sa tabi nito. Hindi inaalis ang palad sa pagkakatakip sa hubad na dibdib.

‘‘Mahal mo na rin ako?’’

‘‘Oo sabi.’’

Sa katuwaan, biglang hinalikan ni Jam si Jose sa labi. Hindi na nagulat si Jose.

‘‘Kumuha ka na ng alak. Uminom muna tayo.’’

“Sige. Magpapalit na pati ako ng damit.’’

“Oo nga. Baka sipunin ka, nakahubad ka na e.’’

Kinurot siya ni Jam sa singit.

Mabilis na nagtungo si Jam sa kuwarto.

Makaraan ang ilang minuto, lumabas na ito. Nakapagpalit na ng damit at may dalang alak.

“Ito ba ang gusto mo Jose?’’ Tanong nito.

‘‘Oo. Gusto kong malasing.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

ANG

IINOM

ILABAS

JAM

JOSE

NAPATITIG

OO

PUWEDE

TANONG

TOTOO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with