^

True Confessions

Black Widow (140)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

SIRA na nga yata ang ulo ni Jam at nagbantang huhubarin na ang palda. Walang magawa si Jose kundi pumayag sa gusto ni Jam.

“Huwag mong hubarin ‘yan. Payag na ako,” sabi niya.

Tumigil si Jam sa paghuhubad.

“Halikan mo ako,” sabi nito.

“Huwag dito. Sa bahay mo na lang. Baka makita tayo ng guard, mapresinto pa tayo.’’

“Papayag ka rin pala, ang dami mo pang arte.’’

“Isuot mo nang blouse mo at ayusin ang palda mo. Baka sabihin pa mayroon tayong ginagawa.’’

“Talagang mag-eeskandalo ako! Lalabas ako sa kotse na naka-bra at panty at magsisisigaw. Sasabihin ko sa guard na nirereyp mo ako. Tingnan ko lang kundi ka maeskandalo.’’

Gigil na si Jose pero hindi siya nagpahalata. Delikado pala talaga ang lagay niya sa sira-ulong babaing ito. Siya lagi ang nasa masamang kalagayan kapag hindi sumunod sa kagustuhan ng babaing ito. Sana ay tumakas na siya kaninang nasa restaurant sila. Naging maginoo kasi siya. Hindi pala dapat kung ganito ang babae.

Nang maisuot ni Jam ang blusa at naayos ang palda, pinatakbo na ni Jose  ang kotse. Lumabas sila sa parking.

Problema ni Jose kung paano makakatakas kay Jam. Tiyak na hindi siya pakakawalan ni Jam pagdating sa bahay nito.                   (Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

ANG

DELIKADO

GIGIL

HALIKAN

HUWAG

ISUOT

ITUTULOY

JAM

LALABAS

NBSP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with