^

True Confessions

Black Widow (132)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“ALAM mo Jose, mayroon akong nalalaman tungkol kay Jam at nga­yon ko lang ipagtatapat sa’yo. Hindi kasi ako naniniwala na magagawa iyon ni Jam,” sabi ni Marie.

“Ano ‘yun?’’

“Si Jam ang dahilan kaya sila nagkahiwalay ng asawa nitong si Pete. Nanlalaki si Jam. Noong una, hindi ako maniwala na nanlalalaki si Jam pero nang ang asawa na nitong si Pete ang nagkuwento sa akin, nag-isip na ako.”

“Paano mo nakilala si Pete?’’

“Hinanap ko siya. Gusto nga kasi ni Jam noon na makita ang dalawang anak at kaya ko hinanap si Pete ay para pakiusapan. Pero hindi pumayag si Pete. At kaya ayaw pumayag ay dahil nga sa ginawa ni Jam na panlalalaki.’’

“Talaga palang nasa dugo niya ang panganga­liwa?”

“Parang ganun nga.’’

“Mabait si Pete dahil nung una, pinatawad pa niya si Jam. Nangako naman daw si Jam na hindi na uulitin pero muling nakipag-ugnayan at naki­pagtalik sa kanyang lalaki. Dun nagsimula ang paghihiwalay. Umalis sina Pete at ang dalawang anak at tumira sa isang lugar na hindi makikita ni Jam.’’

“Bakit daw naging ganun ang nangyari kay Jam?’’

“Walang masabing dahilan si Pete. Maski siya ay nagtataka kung bakit nagawa ni Jam na iputan siya sa ulo.’’

“Mabait nga si Pete ano. Sa ibang lalaki, baka napatay si Jam.

“Oo nga, Jose mabait si Pete. Hindi siya nagpadala sa emosyon.”

“Dapat pala huwag na tayong makikipagmabutihan kay Jam. Tayo na ang lumayo sa kanya.

Napatangu-tango si Marie bilang pagsang-ayon.

MINSAN, naglalakad sa Ayala Avenue si Marie nang isang lalaki ang nakasalubong niya. Nagkatinginan sila.

“Pete? Di ba ikaw si Pete?’’

“Ako nga? Ikaw si Marie?’’

(Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANO

AYALA AVENUE

BAKIT

DAPAT

JAM

MABAIT

NGA

PETE

SI JAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with