^

True Confessions

Black Widow (109)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NAGPATULOY si Jose sa pagkuku-wen­to kay Marie kung bakit ito na-late sa kanilang usapang pagkikita. Si Jam ang dahilan.

“Bumaba raw muna ako at maaga pa naman. Sabi ko sa kanya mayroon akong mahalagang pupuntahan kaya hindi na ako magtatagal. Pero masyadong mapilit si Jam. Halos hilahin ako sa pagbaba.

“Siyempre ayaw    ko namang maging bastos, bumaba ako at sumunod sa kanya sa loob. Pero nag-iisip na ako ng paraan kung paano ko siya mapapapayag na umalis na ako…’’

Tumigil si Jose at tumingin kay Marie.

“Naupo ako sa sopa samantalang pumasok siya sa kuwarto. Mga ilang minuto, lumabas siya. Hindi ko halos matingnan si Jam dahil sa sobrang nipis ng suot na pantulog.’’

Nakamulagat si  Marie sa sinabi ni Jose. Bakit naman naka-damit pantulog na e masyado pang maaga. Ganunman, nakinig pa rin siya sa kuwento ni Jose.

“Lumapit sa akin si Jam. Iniiwas ko ang tingin ko sa kabuuan niya dahil talagang kita na ang kabuuan. Hanggang sa makakita ako ng pagkakataon na makapagpaalam. Biglang nag-ring ang phone ko. Pero miss call lang pala yun. Pero ang ginawa ko, kunwari ay may tumawag talaga. Pinalabas ko na ang tumatawag sa akin ay isang kamag-anak na nasa ospital at kailangang makarating ako agad dun. Emergency. Sadya kong inilakas ang boses para hindi mahalata na wala naman talaga akong kausap.

“Pumayag siya na makaalis ako. Nagmamadali ako sapagkat naghihintay ka nga sa akin. Iyon ang dahilan kaya ako na-late sa ating usapan.’’

Kumbinsido si Marie sa sinabi ni Jose.

Ang ipinagtata-ka niya ay ang mga ikinilos ni Jam. Gusto ni Jam na may mang­yari sa kanila ni Jose? Unti-unti ang ginagawa nitong panunukso.

(Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

AKO

ANG

BAKIT

BIGLANG

BUMABA

GANUNMAN

HANGGANG

INIIWAS

PERO

SI JAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with