^

True Confessions

Black Window (101)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“KUNAN mo ako ng solo, Jose. Pang-Facebook, he-he!’’ sabi ni Jam at pi­naganda ang posing. Nagpaseksi lalo.

“Sige, tapos kami naman ni Marie ang kunan mo,’’ sabi ni Jose at kinu­nan si Jam. Maraming shot ang ginawa niya. Iba’t ibang posing ang ginawa ni Jam at lalong nalantad ang magandang katawan. Kahit nanganak na si Jam ay maganda pa rin ang katawan.

‘‘Kami naman ni Marie ang kunan mo, Jam,’’ sabi ni Jose at tinawag si Marie na nakaupo sa buhangi-nan. ‘‘Halika Marie!’’’

‘‘Baka malalim d’yan, dito na lang ako.’’

‘‘Halika rito, mababaw lang.’’

Tumayo si Marie at   nag­lakad sa tubig palapit kay Jose.’’

‘‘O di ba mababaw lang.’’

‘‘Takot kasi kapag may alon.’’

‘‘Walang alon kapag ganitong summer sabi ng kaibigan kong may-ari nitong Recodo White Beach.’’

“Hindi kasi ako sanay sa dagat.’’

Tinawag ni Jose si Jam.

‘‘Kunan mo na kami Jam.’’

‘‘Okey. Sige ready.’’

‘‘Teka muna at aakbay ako kay Marie. Pang-Facebook. Sasabihin ko siyota ko.’’

“Hoy baka may maka-rinig,’’ sabi ni Marie.

“Narinig ko ‘yan! Ano ’yan ha ?’’ sabi ni Jam.

‘‘Huwag ka nang mai-ngay Jam,” sabi naman ni Jose. ‘‘Kunan mo na kami, please.’’ Biglang umakbay si Jose kay Marie.

Kinunan ni Jam.

“Isa pa, Jam.’’

“Tama na Jose at baka makita tayo ng dalawang bata. Baka kung ano ang isipin nila. Baka magtampo na naman sa akin si Pau.’’

Sumigaw si Jam, “Oo nga Jose, tama na ang picture-picture.’’

“Okey sige.’’

Nagbalik si Marie sa tabi at naupo sa buha-nginan.

Tinanaw na lamang niya si Jose at Jam. Nakita niyang sinasabuyan ni Jam ng tubig si Jose. Humahalakhak si Jam habang ginagawa iyon. Sa tingin niya ay wala na talagang problema si Jam. Panatag na panatag si Jam.

Maya-maya pa nakita niyang halos niyayakap na ni Jam si Jose. Hindi mapakali si Marie.

(Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

ANG

HALIKA MARIE

JAM

JOSE

KUNAN

MARIE

PANG-FACEBOOK

RECODO WHITE BEACH

SABI

SIGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with