^

True Confessions

Black Widow (91)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“ANONG ikinamatay ng asawa ni Jose?’’ Tanong ni Jam.

“Kanser daw.’’

‘‘Kailan pa ?’’

“Mahigit na yatang isang taon.’’

Napatangu-tango si Jam. ‘‘Mabait si Jose ano?’’ Sabi nito.

Nagtaka si Marie dahil ilang beses nang sinabi iyon ni Jam. Makakali­mutin na yata si Jam.

‘‘Oo mabait yun.’’

‘‘Mabuti at naging magkaibigan agad kayo?’’

“Kasi nga’y lagi kaming nagkakasabay sa pag­sundo sa aming anak-anak. Ako kay Pau at siya kay Iya.’’

“Paano kayo nagka­kilala?’’

“Nagkatinginan noong una. Hanggang sa malaman ko ang pangalan niya dahil din sa anak niya. Naitanong kasi ni Pau kay Iya. Tapos nga isang araw e hindi niya nasundo si Iya at kami ang naghatid sa kanilang bahay.’’

‘‘Nakarating ka na pala sa bahay ni Jose?’’

‘‘Oo. Malaki ang bahay niya.’’

Napata­ngu-tango uli si Jam.

Maya-maya iba na ang sinasabi ni Jam. Parang nagsesermon na o nagpapayo.

‘‘Mahirap talaga kapag ang isang babae ay nag-asawa uli ano?’’

“Anong nag-asawa?’’

“Ibig kong sabihin, kapag nabiyuda na ang isang babae ay hindi na dapat mag-asawa uli.’’

“Bakit?’’

“Kasi yung nasa kabilang apartment diyan, nag-asawa uli nang mabiyuda. May anak siyang babae, maganda, akalain mo pinaginteresan ng napangasawa niya. Ayun, ni-rape daw.’’

Hindi makapagsalita si Marie.

“Kaya nga tama lamang na hindi ka na mag-asawa, Marie.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANONG

ASAWA

AYUN

BAKIT

HANGGANG

IBIG

IYA

KASI

OO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with