^

True Confessions

Black Widow (75)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NAGPATULOY si Pete sa pagkukuwento ukol kay Jam. Si Marie naman ay nananatiling hindi ma­kapaniwala sa mga sinabi ni Pete. Magagawa nga kaya ni Jam ang pagtataksil. Parang hindi siya makapaniwala. Pero minabuti niyang pa­kinggan si Pete.

“Hindi akalain ni Jam na naghihintay ako sa ganoong kalalim na gabi. Gulat na gulat siya nang pagbukas niya ng pinto ay nakaupo ako sa sopa sa salas at naghihintay. Sa ekspresyon ng mukha niya, halatang guilty. Para bang alam niyang may nalalaman na ako.

“Pero cool lang ako ng mga sanda­ling iyon. Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng ganoong lamig ng sarili. Kung sa iba marahil nangyari ang ganun na nahuling may kasama ang asawa at papasok sa motel, baka nag­huramentado na.

“Sabi ko kay Jam, alam ko na ang lihim niya. Huwag na siyang tatanggi dahil nasundan ko sila. Huwag na siyang mangangatwiran pa dahil bistado na ang ginagawa niya.

“Nakatingin sa akin na parang natuklaw ng ahas si Jam. Hindi makakilos sa kinatatayuan. Sabi ko, bakit ginawa niya sa akin yun. Ano ang nagtulak sa kanya para ako kaliwain. Hindi naman ako nagkukulang sa kanya. Wala akong ginagawang mali sa kanya  para gantihan nang ganoon. Bakit niya ako kinaliwa?

“Nanatili pa rin siya sa pagkakatayo. Walang kakilus-kilos. Ako naman ay nananatiling malamig.

“Hanggang umiyak siya at lumuhod sa harapan ko. Patawarin ko raw siya. Nagsisisi raw siya sa nangyari.

“Nakatingin ako sa kawalan. Ano ang gagawin ko? Litung-lito ako. Inaamin ko, mahal ko si Jam. Siya ang una kong minahal…”

(Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

AKO

ANG

ANO

BAKIT

HUWAG

NAKATINGIN

PERO

SABI

SI MARIE

SIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with