^

True Confessions

Black Widow (51)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

HINDI malimutan ni Marie ang pagkikilala nila ng daddy ni Iya. Akalain ba niyang pareho pala silang wala nang asawa. Patay na rin pala ang asawa nito. Ano kaya ang dahilan nang pagkamatay? Kailan kaya namatay? Hindi naman siguro katulad niya na tatlo na ang nagiging asawa na pawang namatay.

Hanggang sa ma­patawa si Marie dahil matagal silang nagkuwentuhan ng daddy ni Iya at hindi niya naitanong ang pangalan nito. Maraming naikuwento pero hindi man lamang nasabi ang pangalan. At maski siya ay hindi rin naman nasabi rito ang kanyang pangalan. Gusto niyang mapahalakhak sa nangyari.

Ano kaya ang pa­ngalan ng daddy ni Iya? Saan kaya nagtatrabaho? Ang laki ng bahay nila. Sila lang kayang mag-ama ang naroon? May­roon na kayang bagong nililigawan? Ha-ha-ha! Para siyang tanga sa mga naiisip at tinatanong. Bakit ba masyado siyang nag-iimadyin sa lalaking iyon? Parang hindi na bagay sa kanya na mag-isip ng mga ganoon dahil tatlong beses na siyang nabibiyuda. At saka may edad na siya. Ang mga nag-iimadyin lamang nang ganun ay mga tinedyer. Hindi siya dapat umaktong tinedyer na kinikilig sa lalaki.

Pero ganoon pa man, gusto pa rin niyang malaman ang pangalan ng daddy ni Iya. At sana nga ay maitanong ni Pau kay Iya para hindi siya gagang imadyin nang imadyin. Pero sa totoo lang, may itsura ang lalaking iyon. At sa unang tingin ay hindi halatang biyudo. Parang binata nga.

Tinungo ni Marie ang malaking salamin at sinipat ang sarili. Siya man ay hindi pa halatang biyuda. Hindi halata na tatlo na ang na­ging asawa. Sexy pa rin siya. Sabi nga ni Jam, marami pang brief ang nalalaglag kapag nakita ang beauty niya.

(Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

AKALAIN

ANG

ANO

BAKIT

HANGGANG

HINDI

ITUTULOY

IYA

KAILAN

PERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with