^

True Confessions

Kastilaloy (194)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

(Sequel ng Sinsilyo)

“AKALA ko hindi na mata-tapos ang problema natin, Mama,” sabi ni Garet habang nakayakap sa kanyang Mama Julia. “May katapusan pala ang lahat.’’

“Ako man, Garet. Akala ko nga mamamatay ako na hindi kita makikita. Wala na talaga akong nakikitang pag-asa dahil nga sa laki ng kasalanan ko sa’yo.’’

“Pero hindi mo ba ako binalak hanapin, ’Ma? Noong panahon na unti-unti nang nauubos ang kayamanan mo?’’

“Hindi. Alam mo naman, mataas ang pride chicken ko. Alam ko rin na sa sobrang laki ng kasalanan ko e baka hindi mo ako mapatawad. Kaya sabi ko sa sarili ko, mabuti pang mamatay kaysa lumapit sa’yo. Pero kung mamamatay ako, gusto ko’y sa sariling bahay. Kaya nga pinagsikapan kong makabalik dito sa bahay. Tala-gang dito ko hihintayin ang kamatayan ko.’’

“Kailangan palang dumanas muna ng hirap bago malaman ang mga pagkakamali.’’

“Oo nga. At kailangan pang magkahiwalay tayo bago malaman ang kaha-lagahan ng isa’t isa.’’

“I Love you Ma.’’

“Love you too.’’

“Masayang-masaya ako ‘Ma.’’

“Ako man. Pero mas sasaya ako kung magkakaro-on ka na ng pamilya. Gusto ko, may lalaruin na akong apo rito sa bahay.’’

“Nagmamadali ka naman, Ma.’’

“Ano bang status n’yo ni Gaude?’’

“Teka nga at matawagan si Gaude. Papupuntahin ko rito.’’

“’Ma huwag mong pangunahan si Gaude.’’

“Basta, gusto ko malaman na ang kalagayan ng pagmamahalan n’yo.’’

Tinawagan ni Mama Julia si Gaude.

“Gaude, puwede ka bang pumunta rito sa bahay. Importante lang.’’

“Opo.’’

“Salamat Gaude.’’

Nang dumating si Gau-de, wala nang pasakalye pa si Mama Julia. Deretsuhan na.

“Gusto ko magpakasal na kayo ni Garet. Gusto kong magkaroon na ng apo.’’

Pero nakahanda na pala si Gaude.

“Gusto ko na nga pong pakasal kami. Si Garet lang po ang ayaw pa.’’

“O ikaw naman pala ang problema, Garet. Magpa-kasal na nga kayo! Bigyan n’yo ako ng apo!’’

Nakangiti si Garet.

“Gusto ko na nga rin. Hinintay ko lang na matapos ang problema natin, Mama.’’

“Wala na palang problema. E di pakasal na kayo next month,” sabi ni Mama Julia.

Nilapitan ni Gaude si Garet at hinalikan. Nagulat si Garet sa ginawa ni Gaude. Nagtawanan sila pagkatapos. Tuloy na nga ang kasal nila.

PERO lingid sa kanila, banta pa rin ang nakakulong na si Geof. Mayroon itong binabalak.

Gusto nitong tumakas para makaganti sa nagpakulong sa kanya.

(Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

AKO

ALAM

ANG

GARET

GAUDE

GUSTO

I LOVE

MAMA JULIA

NGA

PERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with