^

True Confessions

Kastilaloy (161)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“ANG ganda naman, sinong may bigay ng kuwintas, Gina?’’ Tanong ni Garet na gustong paaminin ang maid. Matindi na ang kanyang paghihinala. At maaaring totoo ang hinala niya na may kinalaman si Geof – ang ka-live-in ng kanyang mama sa kakatwang kinikilos ni Gina.

“B-bigay po ito ng lola ko Ate Garet. P-pero patay na po ang lola ko. Nung isang taon po namatay.’’

Parang nagkukumahog sa pagpapaliwanag si Gina kahit hindi naman niya tinatanong kung patay na ang lola niya. Ganunman, hindi nagpahalata si Garet na unti-unti niyang hinuhuli ang maid. Relaks lang siya.

“Ang ganda talaga! Patingin nga Gina ng kuwintas mo!”

“Huhubarin ko po Ate?’’

“Huwag na!’’

Hinawakan ni Garet ang kuwintas na may palawit. Nakatingin sa kanya si Gina habang hawak niya ang kuwintas. Sa hipo pa lang, nakilatis na niya na antigo ang kuwintas at sigurado siyang ito nga ang kuwintas ng kanyang mama. Nakita na niya ito. Katunayan, ito ang suot ng kanyang mama nang ikasal sa kanyang papa. Ito rin ang suot ng kanyang mama nang binyagan siya. Hindi niya malilimutan ang kuwintas dahil sa mga picture ng mama niya ay makikitang ito ang suot. Paborito ng kanyang mama ang kuwintas. Kung bakit paborito ng kanyang mama, hindi niya naitanong.

Binitawan ni Garet ang kuwintas.

“Ang ganda! Bagay siguro sa akin ‘yan!’’

“Bagay na bagay sigurado sa iyo ito, Ate. Mukha kang mayaman eh.’’

“Bilhin ko na yan, Garet. Type na type ko talaga. Puwede?’’

“E…’’

“Sige na, bayaran ko kahit magkano. Gusto ko lang talaga.’’

“Ayaw ko po Ate. Kasi baka multuhin ako ni Lola. Baka magpakita sa akin kapag hindi ko na suot ang kuwintas.”

“Hindi naman totoo ang multo. Sige na.”

“Pag-iisipan ko po Ate Garet. Pero parang ayaw ko talaga. Baka kasi magalit si…’’

“Ang lola mo?’’

“O-opo. Magagalit po si Lola.’’

“Sige, baka magbago  pa ang pasya mo e sabihin mo lang sa akin. Babayaran ko ‘yan kahit magkano.’’

“O-opo Ate,” sabi ni Gina at nagtungo na sa kusina.

Nang nasa kusina na, tinawagan ni Garet si Gaude. Nasa school si Gau­de nang tawagan niya.

“Sorry sa pagtawag ko, Gaude, importante lang.’’

“Bakit Garet?’’

“Sigurado ako, ang suot na kuwintas ni Gina ay kuwintas ni Mama. Tiyak na si Geof ang nagbigay sa kanya. Ninakaw ni Geof ang kuwintas ni Mama at saka binigay kay Gina. Tulungan mo ako kung paano natin mahuhuli si Geof.’’

“Madali lang, CCTV!”

(Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

ANG

ATE GARET

GARET

GEOF

GINA

KANYANG

KUWINTAS

MAMA

NIYA

SIGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with